Thursday, March 3, 2011

THE LORD OF THE RING

ANG TUNAY NA LORD OF THE RING AY ANG EL SHADDAI. THE ALMIGHTY GOD. SALMO 91 "Awit ng Pagtitiwala sa Diyos" Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan, At nananatili sa kalinga niyong Makapangyarihan; Makapagsasabi sa kanyang Panginoon: “Muog ka’t tahanan, Ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan.” Ikaw’y ililigtas niya sa panganib, sa umang na bitag, At kahit ano mang mabigat na salot di ka magdaranas. Lulukuban niya sa lilim ng kanyang malabay na pakpak, Sa kalinga niya ay natitiyak mo na ikaw ay ligtas; Iingatan niya’t ipagsasanggalang, pagkat siya’y tapat. Pagsapit ng gabi, di ka matatakot sa anumang bagay, Maging sa gagawing biglaang paglusob pagsapit ng araw. Ni sa ano pa mang darating na salot pagkagat ng dilim, Di ka matatakot sa kasamaan mang araw kung dumating. Kahit na mabuwal sa iyong harapan ang sanlibong tao, Sa iyong paligid ang bilang ng patay maging sampung libo; Di ka matatakot, at natitiyak mong di ka maaano. Ikaw’y nagmamasid at sa panonood iyong mamamasdan, Yaong masasama ay makikita mong pinarurusahan. Sapagkat si Yahweh ang iyong ginawang tagapagsanggalang, At ang pinili mong mag-iingat sa ’yo’y Kataas-taasan, Di mo aabuting ikaw’y mapahamak, at walang daratal Kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan. Susuguin niya ang maraming anghel, sila’ng susubaybay, Kahit saang dako ikaw maparoon, tiyak iingatan. Sa kanilang palad ay itatayo ka’t, sila’ng magtataas Nang hindi masaktan ang mga paa mo sa batong matalas. Kahit ang tapakan mo ay mga leon, ahas na mabagsik, Di ka maaano sa mga serpiyente’t leong mababangis. Ang sabi ng Diyos, “Aking ililigtas ang tapat sa akin, At iingatan ko ang sinumang taong ako’y kikilanlin. Pag sila’y tumawag, laging handa ako na sila’y pakinggan, Aking sasamahan at kung may hilahil ay sasaklolohan; Aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan. Sila’y bibigyan ko’t gagantimpalaan ng mahabang buhay, At nakatitiyak na ang tatamuhin nila’y kaligtasan!”




ANG LORD OF THE RING ito ay galing sa lihim ng karungan sa larawan na ito ay may naka titik ang mga letra sa bawat lettra ay meron kahulogan ng panagalan ng diyos. na siyang tumulong kay moses noon matagal ng panahon. ang dios na ito ay siya yon lumitaw sa taas ng bundok at noon umakyat si moses na nag salita sa isang malaking puno na uma apoy ng liwanag. ito rin ang diyos na nag bukas at humati ng malaking tubig na dinaan ng mga taong niligtas. base sa kuwento ng 10 commandments.






Ito ang mga oracion na naka titik sa sing sing, ang oracion na ito ay maraming nagagawa sa lahat ng pangangailangan. malaking protection, sa swerte, sa business at iba pa. sa nabasa ko sa aklat ng pang gagamot ang titik na stm ay yon isang lihim na pangalan ng ama. na nasa sinag ng araw ay naka lagay na S.T.M. kumikislap palubog palitaw at kong sino man daw nakaka alam ng pangalan niya ay mapalad sa lupa at langit. ang letter na EX.....rau.


itoy isang halimbawa lang sa pag gawa ng sing sing itinatatak sa taas at sa looban ng sing sing.


Ito ang isang halimbawa sa pag design ng ring gingawa ko ito sa computer. ang mata ay may naka hugit na letter A ang ama o alpha omega. doon nakalagay ang diamond. sa may taas naman ng mata ang S.T.M. at sa ibaba ay pwedi maging ibang lettra ng name mo o i lagay ang A.G.L.A.


ito naman ang left side view ang araw ang uph madac


ito naman ang right side view. ang buan naman si abo natac.